Business Card ng Japan
Bahagi ng ritual ng mga Japanese ang pagpapalitan ng business card sa kanilang mga negosasyon. Hindi nawawala sa mga Japanese ang magbigay ng business cards sa mga meetings na parte na ng kanilang kultura at etiquette.
Tandaan na huwag ihahagis ang business card sa lamesa ibig sabihin ay sinasabing walang pride ang kompanya ang nire-represent ng isang tao na-deal nito.
Laging dalawang kamay na nakalatag o nakaharap ang pagbigay nito. Tanggapin din ang card ng dalawang kamay saka magsabi ng thank you na yumuko o mag-bow ng konti. Hindi puwedeng sulatan, paglaruan, o itupi ang business, kundi ingatan ito na may respeto bilang paggalang sa dignidad ng kompanya ng kausap.
Ang highest ranking na tao ang unang nag-aabot ng business card na dapat ay dini-display bilang paggalang at paalala ng nasabing meeting. Kapag inilagay sa bulsa ang card ito ay indikasyon ng kawalan ng respeto sa kausap.
- Latest