Sobrang Insecure na GF
Dear Vanezza,
Hindi ko akalin na sobrang insecure ang ka-live in ko. Lahat na lang ay pinag-iisipan ng masama. Pag-uwi na nga lang sa bahay ang pahinga ko, pero inaaway pa ako dahil sa kakaselos niya kung kani-kanino. Na-excite akong makasal at magkaroon ng pamilya. Pero ngayong nakikilala ko ang ugali niya napapaisip ako kung itutuloy ko pa bang pakasalan ko siya. Iniisip ko lang kung magiging masaya kaya ako sa kanya? – Miguel
Dear Miguel,
Baka kaya siya insecure ay dahil hindi mo pa siya pinapakasalan. Pero kung mayroon kang pag-aalinlangan sa kanyang pag-uugali na sa tingin mo ay natural na sa kanya; mag-isip kang mabuti. Kung matitiis mo ba o matatanggap ang kanyang buong pagkatao. Hanggang may pag-alala ay huwag ka munang magdesisyon na magpakasal na baka pagsisihan mo sa bandang huli.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest