Gaano kahanda ang Pinoy sa hagupit ng kalamidad?
“Sa ganitong mga panahon natin mari-realize yung katagang ‘prevention is better than cure’. Hindi pa naman po huli ang lahat. Siguro bilang responsableng mammayan, dapat na isipin natin yung tamang pagtatapon ng basura para rin po ito sa drainage. Yun po kasi ang no. 1 cause ng pagbaha. Yung may bumarang kalat sa drainage. Siguro yun ang pinakamagandang gawin natin bilang hindi naman ganoon kadaling magtanim ng puno lalo pa nga’t nasa siyudad tayo.” Jon, 29
“Maraming pwedeng gawin isa na riyan ang maging volunteer sa mga foundation na nangangailangan ng manpower. Maaari rin tayong mag-donate ng mga pagkain at damit sa mga nasalanta.” Tyron, 35
“Dasal po ang kailangan natin ngayon. Ipagdasal natin ang kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay at ng buong Pilipinas.” Edgar, 25
“Napakarami nating pwedeng gawin isa na rito ang paglilinis ng ating kapaligiran lalo pa nga’t inaasahan na malala ang dulot ng bagyong Ompong.” Leonard, 30
“Bukod po sa mataimtim na dasal, kailangan po natin ng pagkakaisa sa paglilinis ng kapaligiran. Syempre nariyan na rin ang prevention para maiwasan ang mas malala nitong pinsala. Maging mas responsableng mamamayan sana tayo.” Argie, 26
- Latest