Tamang Tao na Pinakasalan
Ang covenant na sinumpaan sa iyong asawa ay hindi lang pangako na mananatili sa inyong pagsasama. Hindi ito exam na kapag hindi nakapasa ay iiwan na si mister o misis. Hindi ito trial o error na kapag hindi nag-work out ay maghihiwalay na ng landas ang dalawa.
Ito ay banal na pangako na aalagaan at pagkakaingatan ang bawat isa upang maibigay ang pangangailangan at tanggapin din naman ang ibibigay ng partner. Para tanggapin at yakapin ang kahinaan at kalakasan ng asawa.
Pagkatapos ng wedding vows ay saka lamang lubos na nakikilala ang asawa na nakakasama sa loob ng bahay. May pagkakataon na naiisip na mali ang taong pinakasalan. Hindi ito abnormal, pero delikado. Kung sakaling sumagi sa iyong isipan ay mag-ingat na paniwalaan ito.
Kung tutuusin walang katiyakan kung tama o mali ang iyong napangasawa ayon sa mga marriage counseling expert. Pero kung tratratuhin ang maling tao sa maaayos at tamang paraan ay tiyak na mauuwi rin sa kasalan ang samahan.
Importante na ikaw ang maging right person, kaysa pakasalan ang tamang tao.
- Latest