^

Para Malibang

Pangalawang Anino (559)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SA PAGKAKAMANGHA nina Alona, Ariel at Yawanaya, nagdadasal si Pio tulad ng dinadasal nina Yawan at Angela.

Sumusunod siya sa dasal.

Sa umpisa, pilit ang pagbibigkas.

Hirap na hirap ang anak ng haring demonyo sa pag-defy ng inuutos ng isip at puso na siya ay magdasal sa mabuting Diyos.

Namimilipit si Pio sa pagsisikap na huwag makapagbigkas ng dasal. Pero wala siyang nagagawa.

Hindi niya napipigil ang bibig na magdasal.

“Ayaw niya pero pinipilit siya!” Hindi makapaniwalang comment ni Yawanaya.

“Ang kapangyarihan ng bundok na banal ay sumasakop sa kanya! G-ginagawa siyang mabuting nilalang?” Dagdag na obserbasyon ni Ariel.

“Ang gusto ng puwersa ng kabutihan palagay ko ay makapagdasal siya nang may kagustuhan niya. At iyon ang niri-resist ni Pio kaya nahihirapan siya!”

“Kapag hindi na siya nagri-resist, hindi na siya magkakaganyan.”

Unti-unti nakikita nila ang pagri-relax ni Pio. Ang pagsunod na lamang sa agos ng mga sandali.

Hanggang sa hindi sila makapaniwalang sumusunod na ito sa pagdadasal ng kusa.

Na taimtim. Na tagos sa puso. At mula sa puso.

“Tingnan mo siya, o! Pati mukha niya nagbabago. Parang may kung anong liwanag na bumabalot.”

“Binago siya ng bundok na banal!” Namangha nang husto si Ariel.

“Ariel, alisin mo na ‘yang galit mo sa kanya. Kaya nagkaroon ng mga kulog at kidlat kanina dahil siguro hindi natin inayos ang mga pagsubok dito.” Nakiusap si Alona.

Napayuko si Ariel. Na-realize na nagamit siya ng puwersa ng kasamaan na tangay ni Pio nang dumating ito sa bundok na banal.

“Tama ka, Aling Alona. Kung hindi ako nagpadala sa pagseselos ko, hindi tatalab sa akin ang puwersa ng kasamaan. Kasalanan ko rin talaga.”

“Hindi na importante ‘yan ngayon. Ang mahalaga, hindi nagpatalo ang bundok na banal. At binago pa niya ang pumunta ditong masama.”

Nagsalita si Pio at pinakinggan nila.

“Ako ay anak ng hari ng mga demonyo. Inutusan para talunin ang puwersa rito. Para lumakas uli ang puwersa ng aking ama.” Ilang labas na lang

PANGALAWANG ANINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with