Lunas sa bad breath
Hindi cool ang pagkakaroon ng bad breath. Pero mayroon simpleng natural na remedyo upang maiwasan ito pansamantala hanggang hindi pa nagpapatingin sa inyong doktor kung saan ito nanggaling.
1. Umiwas kumain ng maraming bawang o sibuyas o maaanghang na pagkain.
2. Magnguya ng bubble gum kung may kausap.
3. Malaki rin ang maitutulong ng laging may baon na candy sa bulsa upang hindi matuyuan ng laway na sanhi ng mabahong hininga.
4. Magmumog ng mouth wash tatlong beses pagkatapos kumain.
5. Magsipilyo ng tatlong beses sa maghapon.
6. Gumamit ng floss pagkatapos magsipilyo.
7. Iwasan din ang sobrang pag-inom ng kape na sanhi rin ng bad odor ng bibig.
- Latest