^

Para Malibang

Pangalawang Anino (554)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

PINILIT ni Angela ang makalapit kay Yawan. Magkakapit-kamay sila, magsasanib-puwersa.

Sila lamang ang mga inosenteng hindi nalalatayan ng galit.

“Yawan ... sikapin mong makalapit din sa akin. Dapat, dikit ang ating mga kamay. Para lumakas ang ... ating ... puwersa. At mapapaalis natin dito ang implu­wensya ng dilim.” Hirap na nagsalita si Angela.

“Nahihirapan ako ... bakit nagkakaganito rito ... ‘di ba bundok na banal ito? Lugar ng Diyos?”

“Yawan, hindi maka­katulong kung nagkukuwestiyon ka. Ang dapat ay tiwala natin. Ang lakas ay balewala kung walang pananalig.”

“Pero nahihirapan ako ... at ang mga kulog ay nagpapabingi sa akin! Ang mga kidlat ay nagbibigay sa akin ng takot!”

“Huwag kang padadala! Mas lumalakas ang puwersa ng dilim kung natatakot ka dahil ibig sabihin ay wala kang tiwala sa Diyos.”

PATULOY naman sa pananakit si Ariel kay Pio. Siyang-siya si Pio habang nagpapakulong sa galit ang alagad ng simbahan.

Sina Alona at Yawanaya ay balot na rin ng galit.

Dahil natitigasan na sila sa ulo ni Ariel.

Kumuha ng malaking sanga si Alona.

At hinampas si Ariel.

Nahawakan naman ni Ariel ang sanga at hinila. Wala nang pakialam kahit pa nasaktan ang napasubsob na si Alona.

Nag-react sa galit si Yawanaya. “Hayup ka, Ariel! Wala kang karapatan na ganituhin si Inay Alona!”

Nilundag ni Yawanaya si Ariel.

Bagsak si Ariel, nasa ibabaw niya si Yawanaya.

Sinakal ni Yawanaya si Ariel. “Papatayin kita! Papatayin kitaaa!”

Lalong tumindi ang mga kidlat at kulog.

Palihim na ngising-ngisi si Pio.

Ang mga salita sa sarili: Malapit ko nang ma-conquer ang bundok na banal! Kapag may pumatay sa mga ito, palagay ko malulusaw na ang bundok na banal na ito sa kahihiyan!”

“Ang mga mababait kuno ay bumabangis!” At nagbubunyi sa sarili si Pio.

Ginatungan pa niya sina Angela at Yawanaya.

“Tama! Ipaglaban ninyo ang inyong paniniwala, kayo ang masusunod! Okay lang pumatay para sa inyong paniniwala!” Itutuloy

PANGALAWANG ANINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with