^

Para Malibang

Mabilis na Balik ng Karma

Pang-masa

Noong panahon ng Korean war ay uso na maghanap sa lokal sa Korea ng binatilyo na ginagawang houseboy. Gaya ng isang grupo ng sundalo na kinuha ang isang lalaki upang magluto, maglinis, at sa ibang gawaing bahay. Pero ginagawan din nila ng katawa-tawang bagay na talagang masamang tricks.

Paggising sa umaga ng Koreanong lalaki ay tipong nakatali ang kanyang mga tsinelas kaya nadadapa ito. Minsan paghiga niya ay mayroong shaving cream sa ilalim ng kanyang unan. Pero kahit gaano kasama ang biro ng mga sundalo na binubuhusan pa siya ng tubig ay walang reklamo na hindi nagpapakita ng galit ang bata. Okey lang para sa kanya ang mga nangyayari.

Sa wakas ay natauhan ang mga lalaki sa mali nilang trato sa bata. Nanghingi sila ng sorry sa mga nagawa nila na inaaakala nilang nakakatawa. Nangako ang mga sundalo na hindi na mauulit ang kanilang pagbibiro. Nagulat ang bata at tinanong na hindi siya bibiruin na itali ang kanyang mga tsinelas o buhusan siya ng tubig? Kaya nangako rin ang binatilyo na hindi na niya duduraan ang niluluto niyang pagkain para sa kanila.

Mag-ingat sa pagtatrato sa ibang tao na imbes na maging blessings ay ginagawan ng kahit maliit na tricks, pero nakakasakit. Upang hindi makarma sa inaakalang tamang ginagawa sa iba.

KOREAN WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with