Commitment ni Mister kay Misis
Ang mag-asawa ay parehong magkaiba ang pangangailangan, emotionally o physically. Kaya mayroong awayan dahil sa hindi pagkakaintindihan. Ang mga lalaki ay laging nag-i-effort upang kausapin at mahalin ang mga misis, pero hindi nila alam kung paano.
Ang alam lang nila ay gustong ipakita ni mister ang kanyang pagmamahal kay misis. Pero minsan ay hindi tumutugon ang asawang babae. Nakokonsensiya at nagagalit din ang mga babae sa kanilang sarili dahil hindi sinasadyang maging komplikado ang mga sitwasyon. Pero nadidismaya ang mga lalaki na hindi maibigay ang sapat na pagmamahal sa kanilang may bahay. Kahit sa sobrang tension, may mister o lalaki ang nananahimik at naghihintay sa kanilang mga misis. Sa ibang banda sa kabisihan ng mga babae ay nawawalan sila ng time para kay mister. Mabuti na lang may mga mister ay handa pa ring unawain ang mga misis. Sapat na ito sa kanilang yakap habang kasamang natutulog si misis. Gustong ipaalam kay misis na may pagkakataon man na hindi sila nagkakaintindihan at walang oras na makapagtalik si misis ay nanatili ang commitment ni mister na mahalin si misis sa buong buhay nila. Kahit may sex o wala ay love ni mister si wifey.
Minsan hindi masamang magsakripisyo sa pagbibigay ng commitment para sa language ng romance na ikatatag sa pagsasama ng mag-asawa.
- Latest