^

Para Malibang

Pabor ka ba sa ldr o long distance relationship?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Hindi. Para sa akin mas gugustuhin ko na lang maghiwalay kami kesa pumunta ang isa sa amin sa ibang bansa. Hindi n’yo masasabi ang kapalaran kapag maghiwalay kayo dahil patuloy na nagbabago ang ugali ng isa’t isa depende sa mga nakakasalamuha. Nariyan ang tiwala pero mahirap din labanan ang tukso.” - Nathan, 27

“Okay lang sa akin kung para naman iyun sa ikabubuti ng aming future. Kung secured ka sa relasyon n’yo, hindi mo kailangang matakot na maaagaw siya ng iba. Nariyan ang pangamba, pero dapat mas matibay ang tiwala at faith ninyo sa inyong relasyon.” - Boyet, 32

“Siguro isa ako sa napakaraming hindi naniniwala sa LDR. Totoong masusubok nito ang inyong relasyon, pero ang tanong, hanggang saan at hanggang kailan? Mahirap malayo sa inyong mahal. Hindi lamang sa inyong asawa kundi maging sa pamilya. Hindi ko ma-imagine ang araw-araw ko nang wala sila.” - Alvin, 30

“Kaya sigurong tiisin depende sa kung hanggang kailan kami maghihiwalay muna. Maganda kasi yung may nilu-look forward ka. Na ayun yung goal n’yo kapag kayo nagtitiis na mawalay sa isa’t isa.” - Em, 29

“Okay lang sa akin. Pero bago mangibang bansa ang isa sa amin, dapat ay pinag-usapan muna ito nang mabuti at masinsinan. Magse-set kayo ng priorities at limitations. Importante sa relasyon ang komunikasyon kasi yun ang inyong panghahawakan kapag nagkalayo kayo.” - EJ, 33

LONG DISTANCE RELATIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with