Bright Side ng Sarili
May mga bagay na nagpapasira ng sariling happiness sa araw-araw. Lalo na kapag sobra kung pinipintasan o hinuhusgahan ang sarili na tiyak na magdudulot ng kalungkutan. Ang negatibong self-judgement ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng full potential at malakas na panira sa will power. Tigilan na ang pagpokus sa sariling kahinaan, bagkus ay i-develop ang strength, talent, at skills.
Maaaring madaling pintasan ang ibang tao. Pero mayroong direktang koneksiyon sa sariling kaligayahan kapag hinuhusgahan ang sariling kapangitan na reflection ng iyong inner world. Kapag kini-critize ang ibang tao puwedeng mababaw lang ang negatibong epekto sa iyong buhay. Okey na makipagtalo sa ibang tao na hindi kailangan i-please ang mga indibidwal sa paligid. Pero dapat na ma-appreciate ang sariling kasiyahan na dapat tingnan ang positibong bagay sa iyong pagkatao.
- Latest