Bilmoko Girl ang GF
Dear Vanezza,
Ang ganda ng nobya ko, pero napansin ko lang habang nagtatagal ay panay ang pabili niya sa akin ng kung anu-ano. Kapag hindi ko napagbigyan ay nagtatampo. Wala naman sa akin na ibigay ang gusto niya dahil malaki ang allowance ko. Pero kinakantiwan ako ng barkada ko na bilmoko girl ang GF ko.Ngayon pa lang daw ay ganyan na ang ugali ng GF ko, paano pa raw kung misis ko na ito balang araw. Tama ba kaya sila? - Jake
Dear Jake,
Hindi masama kung pag-iisipan mo ang napapansin ng iyong mga kaibigan. Upang lalong makilatis ang tunay na kulay ng GF mo. Saka magdesisyon kung hanggang kailan mo kaya pakisamahan ang nobya na ang habol sa iyo ay para magpalibre lang. O pagpapakitang ibedensiya na isa siyang babaeng mahilig sa materyal na bagay. Saka mag-isip kung dapat mo nang kalasan habang maaga ang ganyang klase ng babae.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest