Fungus na Alipunga
Ang alipunga ay walang kinalaman sa pagiging malinis.
Kahit pa panay ang hugas at pagsabon ng mga paa ng ilang beses sa isang araw ay makakakuha pa rin ng althete’s foot kung hindi agad patutuyuin ang mga paa pagkatapos itong hugasan.
Ang pangangati ng alipunga ay dahil sa fungus na tinea na nag-iiwan ng patches sa balat. Hindi lang sa locker room o public shower nakukuha ang alipunga kundi sa pagsi-share ng mga gamit.
Humahawa rin ang kati sa ibang bahagi ng katawan gaya ng kili-kili.
Alamin pa ang ilang infected na gamit na maaaring nahahawaan ng alipunga:
1. Infected na tuwalya
2. Medyas
3. Sapatos o tsinelas mula sa mayroong alipunga.
4. Pagsusukat ng mga sapatos sa mga shoes department. Sa rami ng mga nagsukat kahit tuyo ang paa ay maaaring makakuha pa rin ng bacteria.
5. Bedsheet
6. Kumot
7. Damit.
- Latest