Misteryosong Pagkawala ni Amelia Earhart
Si Amelia Earhart ay ang kauna-unahang babaeng piloto na nakapagsolo sa himpapawid sa gitna ng Atlantic ocean. Napagtagumpayan naman niya ang kanyang misyon pero naglaho na lang siya ng parang bula matapos bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano noong 1937.
Hindi nakita ang kanyang mga labi, at naging isa ito sa mga unsolved mysteries sa buong mundo.
Pagkatapos ng 81 years, may sagot na ang mga eksperto kung ano nga ba talaga ang nangyari kay Amelia.
Ayon kay Ric Gillespie, ni-research niya ang pangyayaring ito at meron daw siyang pruweba na si Amelia ay bumagsak sa remote na lugar sa South Pacific island na may layong 2,000 miles mula sa Hawaii. Sinubukan daw diumano ni Amelia na humingi ng tulong, isang linggo bago tuluyang lumubog ang eroplano nito sa ilalim ng dagat.
Nag-send daw si Amelia ng distress calls na narinig sa buong mundo, pero nang dumating ang navy para sagipin siya, wala na silang nakita ni isang bakas, kahit ang eroplano niya.
Maging sa radyo ay narinig ito at ito ang mga huling salita na narinig sa kanya: “we have taken in water.… We can’t hold on much longer.”
Taong 1940, may nakuha silang buto ng tao sa nasabing remote island at pinaniniwalaan nilang si Amelia ito.
Ginugol daw marahil ni Amelia ang nalalabing buhay bilang isang castaway na sinubukang maka-survived. Naghintay siya ng maraming linggo, buwan at taon pero hindi na siya nailigtas pa.
- Latest