Dakilang kalapati
Si Cher Ami ay isa sa 600 na kalapati ng Signal Corps ng US Army, na siyang ginamit para makipagpalitan ng importanteng mensahe nung World War II.
Sa loob lamang ng isang taon, sandamakmak na ang ginawang combat flights at nakapag-deliver na ng 12 mahahalagang mensahe ang nasabing ibon.
Ang last trip ni Cher Ami ay noong October 1918 habang ginaganap ang Meuse-Argonne offensive.
Na-injured ang kalapati sa dibdib, naputulan ng isang paa, at nabulag din ang isang mata.
Sa kabila nito, pinilit pa rin ni Cher Ami na makarating sa kanyang destinasyon at mai-deliver ang mahalagang mensahe.
Dahil sa kadakilaan ng ibon na ‘yun, mahigit sa 200 na sundalo ang nasagip.
Noong 2011, napasama pa si Cher Ami sa TIME magazine bilang isa sa Top Ten Most Heroic Animals In The World.
- Latest