Sanhi ng alipunga
Ang athlete’s foot o alipunga ay isang fungal infection sa ilalim at balat ng paa na kalimitan ay laganap lalo na kapag tag-ulan. Habang tuyo at malinis ang alipunga ay limitado na hindi ito kakalat. Pero kapag basa ay mas mabilis ang makahawa sa iba. Tingnan ang dahilan ng alingpunga:
1. Makapal at masikip na sapatos na nagti-trigger ng fungus.
2. Basa ang medyas at mainit ang paa na kaya nagkakaalipunga.
3. Nahahawa kapag nagsuot ng tsinelas ng iba lalo na sa banyo.
4. Hiraman ng medyas at sapatos ng iba.
5. Ang fungi ay nakakahawa rin sa bed sheets at tuwalya.
6. Ang fungus ay nahahawa rin sa paligid ng swimming pool at publikong shower na lugar.
7. Kapag mahina ang immune system ay mas susceptible na magkaroon ng alipunga.
- Latest