Damage ng bubong
Kapag mayroong tumutulong tubig sa bubong ngayong tag-ulan, kailangang makumpuni agad ito.
Kahit wala pa sa plano ang pagpapagawa ng bubong hanggang sa susunod na taon. Kahit sa maikling panahon ang tulo ay mas magbibigay ng malaking problema gaya ng pagkabulok ng kahoy at damay pati ang wiring at pagkasira ng buong kesame.
Ang trick upang mahanap ang butas ay linisin ang iyong bubong. Puwedeng magbuhos ng tubig o gumamit ng hose. Tanggalin lahat ng kalat at makikita agad ang namuong tubig sa isang parte ng kesame. Saka kupunuhin at palitan agad ang nasirang bahagi ng kesame o bubong kung hindi na kayang maremedyuhan ng pangtapal lamang.
Importante na tuwing tag-init ay i-check at linisin na agad ang iyong bubong o gutter para makita agad ang sira o bulok na parte. Hindi yung kung kailan tag-ulan ay saka magkukumpuni.
Kapag naayos agad ang parte ng bubong tiyak na minimal din ang damage sa mga araw na bubuhos pa ang ulan.
- Latest