Brain power ng anak
Payo ng child expert na siguraduhing mayroong sapat na tulog ang mga anak. Makatutulong ito sa pag-develop ng intellectual skills upang lumaking smart ang bata. Sa maraming pag-aaral na nagpapatunay na inuugnay ang ilang oras ng tulog at resulta ng grades ng bata. Ang brain ay kailangan nang sapat na pahinga upang mapanatili ang brain power nito upang automatic na makontrol ang emotional reaction at response sa paligid.
Ang pagtulog ay mahalaga sa health ng brain lalo sa paglaki at habang nade-develop ang bata. Kapag kulang ang tulog ng bata ay naaapektuhan ang cognitive function ng kanyang brain na hindi epektibong gumagana.
Ayon sa neuropsychologist, na kapag kulang ang sapat na tulog ng anak ay makikita agad ang negatibong epekto nito sa attention at emotional regulation ng anak.
Nagkakaroon ng behavior problems gaya ng tantrums, extreme na reaction kahit sa maliit na bagay sa school o bahay. Kapag poor ang sleep ng bata ay nasisira ang abilidad ng bata na matututo. Kung sleep-deprived ang anak ay mas less ang alertness, madaling ma-distract, at dahilan ng madalas na pagiging irritable ng bata.
- Latest