Inaapi sa sariling bayan
Dear Vanezza,
Isa akong dating OFW na nakaranas ng pang-aapi mula sa mga Arabo. Ngayong family driver ako sa Las Piñas. Okey naman ang buong pamilya maliban lamang sa misis ng amo ko. Mababa na nga ang suweldo ay sobrang baba rin ang tingin sa akin. Kahit nga kumakain siya sa tabi ko ay hindi man lang ako alukin ng pagkain, pang pakitang tao man lang. Hindi pa matatapos sa pag-aaral ang anak ko, gusto kong mag-resign pero wala pa akong ibang mapasukan. Tama ba na magtiis pa ako sa pang-aapi ng amo ko? - Ronie
Dear Ronie,
Patunayan mo lang na masipag at worthy ka sa iyong trabaho tiyak ay magbabago rin ang paningin sa iyo ng misis ng iyong amo. Kapag sigurado na ang iyong malilipatang trabaho ay saka kang mag-resign sa iyong pinapasukan.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest