Nobya nagsawa na sa drama ng BF
Dear Vanezza,
Nag-summer job ako noong bakasyon para may pangtustos ako ngayong pasukan. Pero ang nakalulungkot ay mayroon nang ibang nobyo ang GF ko. Siya pa naman ang takbuhan ko sa buhay dahil sa mahirap na kalagayan namin sa bahay. Siguro napagod at nagsawa na siya sa kakasuporta at pag-iintindi sa akin. Pero hindi ako maka-move on. Ano ba ang gagawin ko? – Hanz
Dear Hanz,
Una ay kailangang mong tanggapin na wala na kayo ng GF mo. Ibaling mo sa iyong pag-aaral ang iyong atensiyon para magkaroon ka ng distraction kaysa isipin ang ex GF mo. Maaari rin maghanap ng ibang liligawan upang tuluyang makalimutan ang dati mong nobya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest