^

Para Malibang

Pabor ka ba sa bagong pamasahe?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Siyempre kung ako ang tatanungin, bilang estud­yante ay hindi ako sang-ayon sa pagtaas ng pamasahe...paano naman kaming mga estudyante lang... bawas din po sa aming baon yung karagdagang piso na pasahe sa jeep.” Erson, 17.

“Pwede na rin. Kasi ‘di ba ang gusto talaga ng grupo ng mga jeepney dri­vers ay ga­wing 10 pesos ang pasahe. Kaya para sa akin.. mabuti na 9php pa lang ang sini-singil nila ngayon. Okay yun... hindi nila binigla yung tao. Saka tulong na rin natin yun sa masisipag na tsuper ng jeep na magdamagan kung kumayod.” Lar, 27.

“Hindi natin maiiwasan yan dahil siyempre, pag tumataas na ang bilihin, kasama na ang gas, magde-demand talaga sila ng mas mataas na pasahe. Idagdag mo pa riyan yung kagustuhan nilang lumaki talaga ang kita nila dahil ‘di ba uso na rin ngayon yung mga barker na nagtatawag ng mga pasahero?

Eh bawat pasahero, piso na agad doon ang sa barker o baka nga mas malaki pa... kaya isipin din nating mga komyuter iyong hirap ni mamang tsuper para maitawid din ang pang-araw-araw ng kanyang pamilya.” Baste, 29.

“Di ko gusto yung big­laang pagtaas ng pamasahe. Hassle ‘yun kasi siyempe nakasanayan na natin na 8php lang tapos magiging 9php... paano naman yung mga naka-budget na ang baon at pamasahe? Piso rin yun.” Owen, 19.

“Para sa akin may batayan naman kung bakit itinataas ang pasahe... syem­pre tumataas din ang presyo ng petrolyo kaya normal lang din naman na tumaas ang pamasahe.” Zac, 31

 

PAMASAHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with