Covenant na basbas ng simbahan
Sa Lumang Tipan, ang covenant ng dalawang tao ay gawa sa paghihiwa sa gitnang katawan ng dalawang hayop, inilalagay sa lupa ang mga tupa, sa bawat dugo na dumaloy sa katawan nito ang nagsisilbing pagpapatunay ng kanilang pangako sa isa’t isa.
Sa bawat kasalan ngayon ay nagpapalitan ng wedding vows. Sa palitan ng kanilang vows ay verbally na sinasabi sa ceremony saka pumipirma sa kanilang mga marriage covenant. Ito ay ginagawa sa harapan ng mga witnesses, kaibigan, at miyembro ng pamilya sa pagpasok ng couple sa tahimik na buhay.
Ngayong ang picture ng kanilang marriage covenant ay naka-display na naka-hang sa dingding ng bawat tahanan.
Ang wedding pictures ay tanda bilang nagsisilbing pagpapaalala ng kanilang pledges na sinumpaan sa harap ng altar noong sila ay minsang ikinasal. Ang pagpapakasal ay isang seryosong covenant sa harap ng Panginoon na dapat pahalagahan ng bawat tahanan. Lumipas man ang mahabang panahon ay kailangang sariwaan pa rin ang mga pangako sa isa’t isa na minsan ay pumirma sa isang kontrata na may selyo at basbas ng simbahan.
- Latest