^

Para Malibang

Buhay commuter ngayong tag-ulan

Philstar.com

Mahirap talagang mag­biyahe lalo na ngayong tag-ulan. Malaki ang challenge sa pagko-commute. Narito ang iba pang dapat tandaan kapag umuulan.

Mag-ingat sa madulas na daan -Tingnang maigi ang dinadaanan. Mahirap na kapag nadulas ka. Lalo na kapag puti ang damit mo. Huwag magsusuot ng puting pants o pang-ibaba kapag umuulan. Laging hu­mawak sa railings sa hagdan o kapag nagla­la­kad. Importanteng hindi madulas ang suot na sapatos. Madulas na daan plus madulas na sapatos…positive ‘yan. Baka mabalian ka pa ‘pag nadulas kang bata ka.

Umiwas sa rush hour - Napakahirap sa commuter kapag inabot ka ng rush hour. Challege talaga bago ka makasakay. Kaya iwasan ang rush hour, umalis ng maaga o palipasin muna ang rush hour.

Ekstrang damit - La­ging magbaon ng extrang damit. Iwanan sa locker para may pagbibihisan ka kapag nabasa ng ulan. Idamay na rin ang extra shoes para may magamit kapag nabasa ang sapatos. Puwedeng magkasakit kapag natuyuan ng suot na damit. Dapat may pang-change costume ka lagi.

Maging updated sa panahon - Makibalita sa TV, radio, at social media. Pagsinabing walang pasok, huwag pumasok. Huwag nang umalis ng bahay dahil baka abutan pa ng baha kung saan. Ika nga, it’s better to be safe than sorry.

COMMUTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with