Ihi ng aso, pampatanggal daw ng tigyawat?!
Isang ‘di nagpakilalang babae sa America ang gumawa ng video para magbigay ng tips tungkol sa kanyang lumalalang acne diumano.
Gusto lamang daw niyang ibahagi ang kanyang beauty secret sa iba.
Iniinom niya raw ang ihi ng kanyang alagang aso, mula raw ng gawin niya ito, gumaling daw ang kanyang mga tigyawat, inisa-isa niyang nilahad ang mga bitaminang maaring makuha sa ihi ng aso.
“Dog pee also has vitamin A in it, vitamin E in it, and it has 10 grams of calcium, and it’s also proven to help cure cancer.”
Ang Urotherapy daw o pag-inom ng sariling ihi ay ginagawa na dati pa, pero hindi raw ito advisable na gawing treatment para sa kung anu-anong sakit.
- Latest