Best policy sa buhay ng anak
Habang nagkakaedad ang anak ay dapat turuan ng pagiging honest na hindi lang ito best policy, kundi ‘the only policy’ sa lahat ng bagay.
Kapag nararamdaman ni nanay na nagsisimulang lumayo ang anak sa katotohanan, tigilan na agad ito. Minsan kapag nasimulan ng anak ang magsinungaling ay hindi na ito tumitigil.
Malaki ang maitutulong ng mga magulang na kailangang ituwid ang maling sinasabi o ginagawa ng anak.
Sawayin ang anak at hayaan siyang mag-isip muli at magsimulang magsabi ng totoo. Tanungin ang anak kung ano ang alam niya na hiwalay sa kung ano ang kanyang iniisip.
Hayaang ipaliwanag ng anak kung ano ang totoong nangyari ayon sa pagkakasunod na eksena kung siya ay napa-trouble.
- Latest