Church o civil wedding?
“Siyempre pipiliin ko ang church wedding. Alam ko na may kamahalan talaga yun, pero mas gusto ko kasi yung kasal na pinaghandaan at pinag-ipunan. Para naman kapag tumanda kami ng magiging misis ko ay may babalikan kaming memories tulad ng mala-fairytale namin na church wedding.” Ray, 28
“Ayos na po sa amin ang civil... simple pero alam mong totoo. Saka na lang po siguro ang church kapag may extra budget. Ang naiisip ko po kasi kapag church wedding ay yung kamahalan nito. Hehehe.” Jomar, 31
“Okay lang kahit depende sa mapapangasawa ko. Wala namang problema kung civil o church. Ang mahalaga, nagmamahalan kami. Wala sa klase ng kasal yan kung hindi nasa pagsasama.” Eron, 24
“Kasal na po ako sa civil...kaya po gusto ko sana church naman. Nais ko pa rin po yun ibigay kay misis kasi kahit naman po sinong Katolikong babae ay pangarap na maikasal sa simbahan.” Sidney, 34
“Wala pa po sa plano pero para sa akin okay na kahit civil muna. Hassle kasi ang church wedding. Kailangan yata may wedding coordinator kapag ganyan. Depende rin po sa girlfriend ko. Kung kaya niya paghandaan eh ‘di sa church. Lahat naman po pangarap ng sagradong kasal talaga at basbas ng pari.” Edwin, 26
- Latest