^

Para Malibang

Higanteng blue marlin sa Bataan

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Ang pangingisda ang isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Sagana kasi ang bansa sa mga natural na yamang-dagat dahil napapalibutan tayo ng karagatan. Kagaya ng ibang trabaho, weder-weder din lang ang kita sa pangingisda. Pero ilan sa ating mga kababayan ang sinuwerte sa paglalambat dahil sa ‘di nila inaasahang higanteng isda ang kanilang mahuhuli.

Noong 2012, isang hi­­­ganteng lapu-lapu na ka­sing laki ng tao ang nalambat sa karagatan ng Borongan, Eastern Samar. Nasira pa nga ang lambat ng mga mangingisda at nahirapan sila sa pagdadala nito sa palengke.

Sulit ang hirap ng mga tao dahil nang timbangin, tumataginting na 200 kilo ang bigat ng naturang isda at dahil diyan, naibenta nila ito ng P15,000.

Kamakailan ay isang lapu-lapu naman ang nahuli sa Calabangga, Camarines Sur na may bigat na 150 kilo. Maayos kasi ang pangangalaga ng mga awtoridad sa fish sanctuary sa naturang lugar kaya ‘di nakapagtataka na makakahuli talaga ng ma­lalaking isda sa lugar.

Taong 2017, isang giant malasugue o blue marlin ang nahuli sa Mariveles, Bataan. Umabot sa mahigit 400 kilo ang timbang ng higanteng isda. Ayon sa mga mangingisda na mismong nakahuli ng blue marlin ay hinahatak ng higanteng isda ang kanilang bangka nang mahuli nila ito malapit sa Fortune Island, isang beach na puntahan din ng mga bakasyonista. Nagtulung-tulong ang dalawampung katao upang mabuhat ang higanteng Blue Marlin.

Ayon sa mga taga-roon, iyon ang unang pagkaka­taon na makahuli sila ng hi­ganteng blue marlin.

vuukle comment

BLUE MARLIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with