Pinakamagandang sisiran sa ‘Pinas
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa may pinakamagaganda at natural na karagatan sa buong mundo. Mayaman din ito sa yamang-tubig na siyang binibisita ng mga turista.
Hindi nauubusan ang mga lugar sa ating bansa na sagana sa mga corals, iba’t ibang species ng mga isda, shells, at kung anu-ano pang yamang dagat. Katunayan, dito sa atin makikita ang center of the center of marine biodiversity, sa Isla Verde.
Heto ang ilan sa mga diving spot sa Pilipinas na talaga namang maipagmamalaki natin:
Apo Island sa Dauin, Negros Oriental. - Napasali na ang isla na ito sa top100 dive spots sa buong mundo.
Anilao sa Batangas - Dalawang oras lang ang layo nito sa Maynila kaya dagsa rito ang mga bisitang gustong maka-experience ng pagda-dive sa abot kayang halaga at oras.
Puerto Galera sa Mindoro - Hindi lang isa kung hindi 40 ang dive spots sa dagat na ito.
Tubbataha Reef sa Sulu Sea, Palawan - Naideklara na itong UNESCO World Heritage Site and a national park. Isa ito sa pinakasikat na dive spot sa Pilipinas kunsaan nakilala rin ang bansa sa buong mundo. Mayroon itong 600 na fish specie, 360 coral specia, 11 shark specie, at 13 dolphin at whale specie.
- Latest