Romance at communication ng mag-asawa
Ang romance ay isang interesting na salita. Naiisip agad ng lalaki at babae ang candlelight, soft music, at longing sa isa’t isa. Kahit ang simpleng paglalakad at pagba-bike na solong makasama ang partner ay masaya pa ring gawin.
Madali lang sa marami ang romance bago ang kasal lalo’t wala pang mga distraction mula sa mga bata. Wala pang pressure na pinag-aawayan patungkol sa financial. Wala pang nakakainis na habit na nakikita sa partner. Pero pagkatapos ng kasal ay nagsisimula nang kainin ang oras ng mag-asawa.
Upang manatili pa rin ang ningas ng pagsasama ng romansa, huwag mawawala ang communication. Laging kausapin si misis o mister, pero hindi patungkol sa business o trabaho. Kundi pagsi-share kung ano ang iniisip. I-express ang nararamdaman at huwag itago o sarilinin. Importanteng makinig at unawain ang sinasabi ni misis o mister. Kung nadi-distract ang asawa ay hingin ang 10–15 minutes nito. I-turn off ang TV at saglit na kausapin.
Kung regular na gagawin ang pag-uusap, mas makikitang mas malalim at may kulay ang tingin sa asawa. Mas maa-appreciate ang kanyang ambisyon at desire sa inyong buhay. Marami pang malalaman at matutunan kay wifey at hubby dahil bilang indibidwal ay patuloy itong naggo-grow at nagbabago.
- Latest