^

Para Malibang

Paano sirain ang ating atay?

Pang-masa

Ang atay ang powerhouse ng ating katawan. Kapag hindi nagpa-function nang maayos ang liver ay naaapektuhan ang kalusugan. Kadalasan pa naman hanggang hindi pa nasisira ang atay ay walang nararamdamang sign maliban kung 75% damage na ang organ ay saka pa lang unti-unting naapektuhan.

Ang liver ang isa sa hardworking organs ng katawan. Hindi lang ito built–in na ultra-effective na pang tanggal ng toxic, kundi responsible pa ito sa mahigit 500 functions sa katawan.

Dahil gumagana pa ang liver, ito ay madalas binabalewala. Kaya walang sawa sa pagkain ng hindi healthy tulad ng junk food, maaalat, mamantika, puro prito, maaanghang, at ayaw paawat sa softdrinks. Hindi rin nag-eehersisyo na tamad magpapawis. Wagas kung umiinom ng maraming alcohol o alak. Ayaw uminom ng tubig. Panay pa ang sigarilyo. Wala ring sapat na tulog, na kung magpuyat ay to the max dahilan para hindi makapag-recharge ang atay.

Huwag abusuhin ang katawan dahil tiyak walang kawala kapag nasira na ang ating atay. Kundi bigyang halaga ang kalusugan bago pa mahuli ang lahat.

ATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with