Ngipin na gawa sa ivory ng elepante
• Ang Irish deer ang pangalawang pinakamalaking deer na nabuhay sa mundo. Tuluyan na itong naging extinct, na ang ibig sabihin ay nawala sa mundo 7,700 taon na ang nakararaan.
• Sa tuwing natutulog ang mga dolphin, kalahati ng katawan nito ang gising para mapanatili ang kanilang paghinga at hindi sila malunod.
• Mas gustong mapag-isa ng mga orangutan kesa makahalubilo sa iba.
• May arsenic na taglay ang buto ng mansanas at peras na nakamamatay sa mga aso.
• Pinaniniwalaang gawa sa ivory ng elepante ang ngipin ni George Washington.
• Tinatayang 8,000 pounds ang bigat ng pinakamalaking pusit na natagpuan.
• Nasa 210 ang klase ng kambing na matatagpuan sa buong mundo.
• Walang ngipin ang mga anteaters.
• Ailurophobia ang tawag sa matinding takot sa pusa.
•Dalawang taon kung magbuntis ang mga elepante.
• Ang killer whales ay hindi isang klase ng balyena, sa halip, ito ay klase ng dolphin.
- Latest