Kabiguan susi sa tagumpay
Galit ang mga magulang kapag bagsak o mababa ang grades ng mga anak. Pero ang totoo ay dapat ituro sa anak na ang failure ay susi sa tagumpay.
Ang failure ay positibong oportunidad na matuto at mag-grow. Ang negatibong karanasan ay hindi hadlang upang magtagumpay. Ang magulang ay may malaking impluwensiya kung paano ma-improve ang intelligence ng anak na magsumikap pang lalo kahit mahirap na kalagayan.
Ang mga parents ay isang critical force para sa development ng anak kung paano mag-isip ng motivation at mindset nito. Malaki ang powerful effect ng magulang sa mga bata na kung paano haharapin ang failure. Imbes na magturo na laging perpekto ang anak sa lahat ng bagay; gawing hamon ang minsang matalo, bumagsak, at nahihirap sa sitwasyon ng buhay.
Nauuna pang madisma ang mga nanay kapag talunan ang anak, na imbes ay dapat i-challenge ang bata na mag-excell kahit hindi maintindihan ang isang concept. Upang mas lalo pang maging masigasig sa buhay ang anak.
- Latest