^

Para Malibang

Sinigang na may ampalaya

BURP - Koko - Pang-masa

Ang sinigang ay isang Filipino recipe na nangunguna pagdating sa comfort food na­ting mga Pinoy.

Wala itong pinipiling panahon dahil mapa-summer man o tag-ulan ay ito ang paboritong ihain nating mga Pinoy.

Pangunahing sangkap nito ang isda, baboy, at pwede rin namang baka na pinakuluan sa sampaloc.

Ngayong araw, sinigang na isda naman ang ating iluluto, pero imbes na kangkong ay dahon ng ampalaya ang ating gagamitin.

Bukod sa mura ay higit na masustansya ang dahon ng ampalaya dahil sagana ito sa iron, Vitamin B, calcium, phosphorus, at napakarami pang iba.
Pakuluan ang kamatis, sibuyas, at luya sa pitong tasa ng tubig (depende sa rami ng sabaw na gusto niyo). Pagkatapos nito ay ilagay na ang katas ng sampaloc (o sampaloc mix).

Sunod na ilagay ang isda at maglagay ng kaunting asin. 
Pagkatapos nito ay pwede nang ilagay ang siling haba at dahon ng ampalaya at takpan (‘wag ihalo para ‘di pumait).
Hayan na, handa na ang sinigang na may dahon ng ampalaya na pwedeng-pwede ninyong lutuin linggu-linggo!

vuukle comment

AMPALAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with