Effective na empleyado
Lahat ay iniisip na 100% na effective sa kanyang trabaho. Lahat ay mayroong strength at kahinaan na may impact upang maging productive sa work place.
Para maging effective na worker, kailangang magkaroon ng “good attitude”. Ang mga taong mayroong good attitude ay yung may kusang kumilos o initiative hanggang maaari. Handang tumulong sa kanilang colleague kapag kailangan. Kung may sakit ang co-worker ay sinasalo ang trabaho. Sinusiguradong ginagawa ang kanyang makakaya na ibinibigay ang best effort na may highest standard. Hindi lang sasabihin na “okey na ‘yan” kundi kailangang pasado sa quality control.
Ang magandang attitude sa work ay higit pa upang makuha ang respeto, kundi nagse-set ng standard na inaako ang responsibilidad sa kanyang sarili.
Mahirap makahanap sa organization ng empleyadong nagpapakita ng may ethical at integrity na nagbubukas ng maraming pagkakataon sa future.
- Latest