Misis at mister nanggigil sa isa’ isa
Dear Vanezza,
Nagkasundo kami ng asawa ko na huwag nang dagdagan ang dalawang anak namin. Pero sa pagsisikap naming hindi manggigil sa isa’t isa, magkahiwalay kaming matulog. Pero hindi naman laging puwede ito sa mister ko. Ayaw kong maghanap ang asawa ko ng ibang babae. Matikas pa naman siya. Hindi po ba makasasama kung gagamit kami ng contraceptives? - Lenlen
Dear Lenlen,
Ang desisyon ay nasa inyong mag-asawa dahil nasa inyo rin ang responsibilidad sa pagtataguyod ng pamilya. Magtanong sa inyong health center para magabayan kayo tungkol dito. Alamin kung ano ang dapat na gawin sa inyong family planning kahit nanggigil kayo sa isa’t isa.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest