Breast Cancer sa Kalalakihan
Ang average ng mga Amerikanang babae na nagsusuot ng bra ay may size na 40 D na may sukat na 3 lbs total o 1.5 lbs bawat breast.
Karaniwan sa mga babae, ang kaliwang breast ay madalas mas malaki kumpara sa kanang breast. Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang mayroong perfect symmetrical breasts. Ang pagkakaiba ng size ay 20 percent sa pagitan ng kanan at kaliwang breast ay normal. Kapag mayroong pagbabago sa parehong breast ay kailangang magpatingin sa inyong doktor.
Normal na tumutubo ang breast sa mga babae ng dalawa hanggang apat na taon pagkatapos datnan ng first period ang dalaga.Ang breast cancer ang pangalawa sa cancer ang dahilan ng kamatayan ng mga kababaihan; pinakauna ang lung cancer.
Ang mga kalalakihan ay nagkakaroon din ng breast cancer, pero bibihira. Mas madaling malaman kung mayroong breast cancer sa mga lalaki dahil makakapa agad ang bukol. Tinatayang mayroong 2,190 ang bagong kaso ng male breast cancer noong 2014. Si Peter Criss ng grupo ng bandang Kiss ay isa sa survivor ng breast cancer.
Mababawasan ang banta ng breast cancer kung babantayan ang timbang, titigilan ang paninigarilyo, magkaroon ng regular na ehersisyo, limitahan o iwasan ang pag-inom ng alcohol, at regular na pagsalat kung mayroon nakakapang bukol sa breast. Mas maagang ma-diagnose ang bukol ay mas advantage upang mabantayan at makaiwas na mauwi ito sa kanser.
- Latest