Eye to Eye Contact sa Interview
Kung gusto ng job seeker na magkaroon ng good impression, kailangang tumingin sa mga mata ng interviewer na talagang eye to eye. Ang eye contact ay senyales ng self-confidence at self-esteem na isa sa pinakamahalaga sa lahat.
Kung may takot na humarap sa tao dahil sa mahiyain, kailangang i-practice ito nang regular sa harap ng salamin. Puwedeng umarte at magsalita sa harap ng mirror ng buong scene ng eksena na dapat sabihin bilang practice bago ang actual na interview.
Puwede rin sa harap ng iyong kaibigan at loved ones. Upang matulungan kang i-correct ang iyong gesture, mannerism, pronounciation, at facial expression.
Ang patuloy na pagpa-practice ay nababawasan ang takot at nakatutulong na makakatingin nang diretso sa inyong interviewer nang eye to eye na walang pag-aalinlangan.
Malaki ang benepisyo ng pagre-rehearse ng buong scene nang maraming beses para hindi mo maramamdaman na big deal ang pagharap sa actual na interview.
- Latest