Solusyon sa Urinary Tract Infection
BABALA: .Ang home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
1. Uminom ng maraming liquid. Nakatutulong ang pag-inom ng maraming liquid para ma-flush ang mga bacteria sa katawan.
2. Palaging umihi. Ito’y para hindi manirahan ang mga bacteria sa ating bladder. Importante ring umihi pagkatapos makipagtalik para ma-flush out ang bacteria na pumasok sa urethra.
3. Panatilihing tuyo ang ari ng mga babae. Dapat mula sa unahan papunta sa likuran ang pagpunas ng maselang parte ng katawan para maiwasan ang bacteria.
4. Uminom ng cranberry juice. May mga pag-aaral na nakakababa ng tsansa na magkaroon ng UTI lalo na ang mga babaeng regular na umiinom ng cranberry juice.
5. May antibacterial property ang bawang kaya pinapayuhang kumain nito lalo na kapag hilaw at dinikdik lamang ito.
6. Uminom ng vitamin C supplement para maging malakas ang immune system.
7. Sa mga pagsusuri, aktibo ang oregano sa pagsugpo ng lahat ng clinical strains ng bacteria na nakakadulot ng UTI. Kaya mainam na isama ang pag-inom ng oregano juice.
- Latest