Hidden Treasure sa Isang Isla ng Nova Scotia
Maraming istorya ng mga hidden treasures sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito na lang sa atin, mayroong matagal nang hinahanap at pinag-uusapang Yamashita’s treasure na nakabaon daw dito sa ating bansa.
Sa probinsya ng Canada na Nova Scotia, may matagal nang alamat tungkol sa nakatagong ginto ni Captain Kidd. Matatagpuan daw ito sa isla ng Oak sa bandang Timog ng probinsya.
Nagsimula ang kuwento noon pang mid-1800s kung saan nagsimula na rin ditong maghukay ang treasure hunters sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pinakaunang treasure hunters ay may nadiskubre matapos ang ilang talampakang paghuhukay.
Nabuhayan ng loob ang mga naghahanap ng kayamanang nakatago ni Captain Kidd dahil sa malalim na hukay na nadiskubre. Marami ring kakaibang marka ang nakita sa paligid nito. Mahaba rin ang mga wooden platforms at maraming wooden pillars ang nadiskubre. Pero hanggang sa kasaluluyan ay wala pa ring nakakadiskubre ng sinasabing nakatagong kayamanan.
Kayo, naniniwala ba kayo sa mga nawawala at nakabaong kayamanan? Totoo nga kaya ang mga ito o gawa-gawa lamang ng mga taong gustong manlinlang?
Kayo na ang humusga.
- Latest