Black Sheep sa paningin ni lolo
Dear Vanezza,
Paborito akong apo ng lolo ko nung maliit ako, pero ngayong may dementia na siya sa edad na 76 years old ay ako ang black sheep sa paningin niya. Kahit wala akong ginagawa basta nakita at marinig niya ang pangalan ko ay sinusumpong na siya at nagwawala. Masakit man sa kalooban ko ay hindi na ako pumupunta sa bahay ng lolo ko. Pati tuloy ang magulang ko na anak ni lolo ay nadadamay sa hindi maipaliwanag na reaksiyon ng tatay niya. Kahit may reunion o okasyon ay hindi kami makapunta para lang sa kapakanan ng lolo ko. Ano ba ang gagawin namin? – Miguel
Dear Miguel,
Walang gamot upang maibsan ang iniisip ng lolo mo, kundi minsan ay mas lalo pa itong lumalala ayon sa mga doktor. Pero tandaan mo wala kang kasalanan, pero kayo ang umunawa sa kanyang sitwasyon. Ang maganda ay lambingin si lolo at “utuin” upang makuha ang kanyang simpatya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest