Magnesium nutrients na kailangan ng katawan
Laging may shortage ng nutrients sa mga kinakain. Pero karaniwang hindi dapat mawala ang magnesium nutrients na kailangan sa ating kalusugan.
Alam n’yo ba na lahat ng cells sa ating katawan ay nangangailangan ng magnesium? Importante ang role ng magnesium na halos mahigit 300 enzymatic reaction at biological na proseso ang tinatrabaho ng nasabing nutrient para sa energy production, metabolic rate, blood glucose management, protein production, at iba pa. Nakatutulong ito para sa exercise performance, moods, kalusugan ng puso, glycemic control, pamamaga ng muscles, at para mabawasan ang pag-atake ng migraine. Kapag kulang sa magnesium ay mataas ang panganib sa sakit ng 2 uri ng diabetes, metabolic syndrome, Alzheimer, at cardiovascular disease.
Nirerekomenda na mag-take ng magnesium ng 400 – 420mg per day sa mga kalalakihan at 320 -360mg per day sa mga kababaihan. Ang mga dark green na dahon ng mga gulay ay mayaman sa magnesium gaya ng spinach, Swiss chard, turnip greens, beet greens, mustard green, at kale, legumes, nuts, seeds, at whole grains. Karaniwang mayaman sa pinagkukunan ng magnesium ay ang mga fiber na pagkain kaya sanayin na kumain nito.
- Latest