Dried Fruits
Lahat tayo ay lumaking kumakain ng snack ng dried fruit sa paniwalang maganda ito para sa atin. Pero walang nagsabi sa atin na ang sobrang pagkain ng dried fruit ay masama para sa ating health.
Ang ibang dried fruits ay maraming preservatives na nakakapinsala sa ating kalusugan, pero ang pagkain ng natural at organic na prutas ay tinitipid pa natin. May benepisyo rin ang dried fruit dahil ito ay high in fiber. Pero dahil natanggal na ang tubig dahil sa proseso ng pagpapatuyo, ang natira na lang ay condensed ng prutas. Kaya imbes na makatulong ang prutas ay nagkakaroon pa constipation. Pero ang iba ay ginagawa lang itong snack na maganda dahil sa natural na nutrient boost ng dried fruit. Ang dried fruit ay mataas din sa anti-oxidants kaysa sa regular na prutas. Ang anti-oxidant ay sobrang mahalaga para makatulong na malabanan ang mga free radicals na pinagsisimulan ng cancer.
- Latest