Pangalawang Anino (71)
MGA NAKAPAYONG na kinuha ni Nanette at mga kapatid si Roger sa tuluyan nang nawasak na munting bahay nito.
“Halina po kayo sa amin. Magkakasakit kayo dito.” Sabi ni Nanette.
“Pero mga anak ... hindi ako matatanggap ng inyong ina. Baka magagalit lang siya sa inyo.”
“Huwag na po kayong mag-alala. Kinausap na namin siya. At nangako naman siya na hindi niya kayo itataboy kapag ipinasok namin kayo sa aming bahay.”
“Ayokong mag-away kayong mag-iina nang dahil lamang sa isang amang walang kuwenta.”
“Hindi po kayo walang kuwenta. Nagkasala lang po kayo. At kahit naman papaano ay nagpakumbaba kayo. Halina po ...”
Nagpaakay naman si Roger sa mga anak niya sa una. Tuwang-tuwa siya sa mga hawak ng mga ito. Sa mga pag- alalay. Kasi hindi siya nakatikim nang ganito sa anak nila ni Alona.
Kay Yawana.
Na sa ngayon pala ay gigil na nakatingin sa kanilang eksena. Kasama ni Yawana ang dalawa niyang anino.
“Nakikita mo ba Yanawaya kung gaano kakapal ang mukha ng ama kong ‘yan? Mata- pos niyang talikuran ang pamilyang ‘yan ngayon naman ay binalikan! At kami naman ang tinali- kuran!”
“Kaya nga sabi ni Tagapag-alaga parusahan mo ang ama nating ‘yan. Para lalo kang papaboran ng ating panginoon sa impiyerno. Galit din ako sa kanya lalo na ngayon.”
“Bago ko gagawin ang pagpaparusa, subukan mo munang lapitan si Nanette. Baka puwede mo na siyang dikitan, saktan! Gigil na gigil na ako sa babaing ‘yan!”
Sumunod naman ang pangalawang anino. Lumapit na kina Nanette. Pero hindi pa nga siya nakailang talampakan, nanghina na siya.
“M-matindi pa rin ang kapangyarihan ng banal na tubig nila, Yawan! Talagang walang epekto kapag hindi mo sinaktan o pinatay ang sarili mong ama!”
Natigilan si Yawan.
Bilang anak may konti pa rin siyang kunsensya. Magiging kriminal na nga ba siya sa sarili niyang ama?”
INAYOS si Roger ng mga anak, pinahiram ng isang silid. Nakatulog nang mahimbing si Roger pero ginising siya ni Yawan. Itutuloy
- Latest