Ano’ng Mas Pipiliin, Angking Kagandahan o Kaperahan?
* Siyempre pera, kailangan pa bang itanong yun. Aanhin mo naman ang ganda kung wala ka namang pera aber.
– Susie, Manila
* Huwag ganun. Hindi komo walang ganda, hindi ibig sabihin na ‘di na magkakaroon ng pera. Tandaan n’yo wala sa itsura ang basehan ng nagkakapera o nagtatagumpay sa buhay. Sige nga, may pera ka, pangit naman ng ugali at mukha mo.
– Edna, Romblon
* Hala, ‘di ba kapag may pera mas madali nang magpaganda ngayon. Kahit ano pwede nang iparetoke. Basta may pera maaari nang i-enhance ang beauty. Kaya puwede ba pera na lang ang sa akin please. – Hasmin, Mandaluyong
* Hindi ba puwedeng pareho. May pera ka na, may angking kagandahan ka pa. Yung natural na ganda ha, hindi lang dahil sa salamat po doktor. Pero kasi unfair ang buhay ‘di ba? Nang nagbuhos ang pera at ganda ay tulog ata ako. – Sybille, Mindoro
* Kahit alin ang piliin sa dalawa, pareho pa rin itong pinaghihirapan para makuha. Ala eh hindi ‘yan dinadaan sa wish. Kung gusto mong gumanda, aba maraming prosesong dapat pagdaanan. Ganundin kung kuwarta, dahil kailangan pagtrabahuan bago mo makamtan. – Bez, Batangas
- Latest