Ang Elepanteng Pampa-Good Luck
Ayon sa Buddhist belief, isa sa sacred treasure ni Buddha ang elepante. Sinisimbolo ng elepante ang mga sumusunod: karunungan, kapangyarihan, dignidad, katalinuhan, lakas, mahabang buhay, fertility, good luck, good fortune at tagumpay.
Bilang Feng Shui charm, narito ang dapat tandaan sa paggamit ng elepante:
1--Idispley ang dalawang elepante sa front door. Nagdudulot ito ng good luck at proteksiyon sa tahanan laban sa mga negatibong pangyayari. Dapat ay nakataas ang kanyang trunk.
2--Kaya idinidispley sa may pintuan, sila ay nagsisilbing tagabantay sa tahanan ng mga taong may mataas na katungkulan upang hindi siya maagawan ng kapangyarihan.
3--Magandang magdispley ng dalawang elephant sa bedroom upang manatiling tapat sa isa’t isa ang mag-asawa.
4--Mainam din na idispley ito sa opisina at study room. (Itutuloy)
- Latest