^

Para Malibang

Uso pa ba ang Pag-akyat ng Ligaw sa Bahay Ngayon?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Sus, 2017 na wala nang ligaw-ligaw! Hindi na totoo ‘yan. Kasi naniniwala ako na habang tumatagal na kasama mo ang isang tao ay mas makikilala mo siya. Kaya mas maganda kung maging karelasyon mo na agad ang isang tao nang walang ligawan. Sa ligawan kasi, la­ging “best food forward” na ibig sabihi’y kung ano lang maganda ang ipinakikita. – Raffy, Isabela

• Kahit sa makabagong panahon, naniniwala pa rin ako sa ligawan. Totoo pa rin naman ito para sa akin dahil naniniwala akong dapat mas makilala mo muna ang isang tao bago mo siya makarelasyon. Taliwas sa paniniwala ng iba ngayon na makikilala mo rin naman ang dyowa mo habang tumatagal na tingin ko ay hindi akma sa kultura ng mga Pinoy. 

– Martin, Cebu

• Kahit nakaugalian na ng Pinoy ang ligawan, sa makabagong panahon palagay ko hindi na rin naman ito masyadong importante. Puwedeng may ligawan pa ring maganap at maaaring wala na. Depende naman sa usapan ng dalawang tao ‘yun. Basta mutual ang understanding, naniniwala akong magwo-work ang isang relasyon. – Billy, Palawan

• Hindi na uso ang ligawan. Sa ligawan kasi puro papogi lang at good shot. Saka mo lang malalaman ang totoong intensyon ng isang lalaki kung karelas­yon mo na ito. Totoo ito dahil aminado akong gawain ko rin naman ito. Mahirap man tanggapin girls, pero oo ganito kaming mga lalaki. Hehehe   – Luis, Makati

• Naniniwala pa rin ako sa konsepto ng ligawan. Bukod sa minana natin ito sa ating mga ninuno, isang pormal itong gawain bago makipagrelasyon. Mas maipakikita ng isang lalaki kung gaano siya kaseryoso sa babaeng kanyang gustong maging irog kung manliligaw siya. Iba ito sa mga gustong tumikim-tikim lang.  – Arvin, Bohol

BEST FOOD FORWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with