Fengshui Tips and Cures
1--Ang poster ng waterfall kung saan ang tubig ay bumabagsak sa isang ilog ay magandang idispley sa Southeast dahil magdadala ito ng magagandang oportunidad sa buhay ng nakatira sa bahay.
2--Ang wall clock o table clock na may “seconds arm” ay mainam na ilagay sa South upang matapos ang mga projects na hindi matapos-tapos.
3--Magtatagumpay ka at sisikat kung ididispley mo sa South ang iyong performance photograph, trophies, merits and achievements.
4--Ang pagsisindi ng kandila sa bandang South ay makakatulong upang malinis ang nasirang pangalan at reputasyon.
5--Ang paglalagay ng bungkos ng yellow flowers sa Southwest ay nagdudulot ng maraming kaibigan saan ka man magpunta.
6--Ilagay ang computer sa West, nagdudulot ito ng magiging malikhain.
- Latest