Pinakamapanganib na Pating
Walang buto ang mga pating. Sa halip, mayroon silang skeleton na gawa sa cartilage. Ito ay isang klase ng tissue kung saan gawa ang tenga at ilong ng mga tao.
Hindi tumitigil ang ilang klase ng pating sa paglangoy. Kapag kasi tumigil sila ay pwede nilang ikamatay dahil sa paglangoy lang sila nakakakuha ng oxygen na pumapasok sa kanilang hasang.
Matalas ang pandinig ng mga shark dahil kaya nilang marinig ang paparating na isda ng 500 meters away.
Ganundin ang kanilang pang-amoy dahil halimbawang ilagay sila sa isang swimming pool, kahit ang isang patay ng dugo ay naaamoy nila.
Ang great white shark ang pinakamapanganib na pating sa buong mundo. Warm blooded ang mga ito kung kaya kailangan nilang kumain ng sangkatutak na karne para ma-regulate ang kanilang temperature.
May mga ngipin sa likod ng kanilang ngipin ang shark. ‘Pag nagtagal ay matatanggal ang nasa harapang bahagi ng ngipin kaya papalitan ito ng mga nasa likod.
- Latest