^

Para Malibang

Pangalawang Anino (27)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

 KINILABUTAN si Roger sa narinig mula kay Yawan.

“Huwag kang magsalita nang ganyan. Ka­patid mo ang pinag-uusapan natin dito. Mabait si Nanette at ni sabihing patayin siya at iba ko pang unang pamilya ay maling-mali!”

Sa unang pagkakataon ay nakita ni Roger na ngumiti si Yawan. Pero ngiting nakakakilabot.

Nakakatakot.

“Pagkatapos mo silang iwan at ipagpalit sa aking ina, ipinagtatanggol mo na sila ngayon? Sasabihin mo sila ang mabait, ako hindi?”

“Pero totoo kasi! Gusto ka naming mahalin ng iyong ina pero ibang-iba ang ugali mo! Sa halip na matuwa kami, natatakot kami! Kaya tuloy naipagmalaki ko sa iyo ang aking unang pamilya!”

Nang biglang may sumagot, galit din. “Hoy, Roger! Ano ‘yung narinig ko na puro puri ka na ngayon sa una mong pamilya?”

“Alona … p-pasensya na … siguro naman kaya mong intindihin kung pagkatapos ng labing-pitong taon ay nangungulila na rin ako sa kanila.”

“Hindi! Hindi ko maiintindihan ‘yan! Maliban na lang kung ayaw mo na sa akin kasi mataba na ako! Eh, pareho na lang naman tayong mataba, a! Nawala na rin ang kakisigan mo!”

“Alona, pinagbantaan ni Yawan ang mga anak ko sa una. Pati ang una kong asawa. Nagkasala na nga tayo sa kanila ganyan pa ang gagawin ng anak natin?”

“Nagsisisi ka na pala! Buti nga kung mapahamak sila kung ganyan din lang na parang basura na lang ako sa ‘yo!”

Bigla nilang nakita si Yawan na parang naninigas na parang kahoy. At kitang-kita nila ang paghiwalay ng pangalawang anino nito.

Habang parang tuod lang si Yawan at ang una niyang anino, kumilos ang pangalawang anino at sa isang iglap ay nasa tabi na ito ni Roger.

Bigla nitong sinakal si Roger. Wala kaagad reaksiyon si Alona dahil sa gulat.

“AAAAKKKKHHHH!” Hirap na hirap nang huminga si Roger, malalagutan na yata ng hangin.

- ITUTULOY

 

 

ROGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with