^

Para Malibang

Panlaban sa Sunburn

PITO-PITO - Pang-masa

Papalapit na naman ang summer kaya ang isa sa pinakaproblema ng tao ay ang pagkakaroon ng sunburn. Delikado ang sunburn kapag napaba­yaan dahil maaari itong tumuloy sa melanoma, isang nakamamatay na skin cancer.

1. Maghalo ng 4 na kutsarang baking soda at saktong dami ng tubig para makagawa ng paste. Ipahid ang paste direkta sa apektadong balat. Iwan ito ng 10 minuto bago banlawan ng tubig. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.

2. Magluto ng oatmeal at lagyan ng tubig para maging malabnaw ang consistency. Palamigin ito bago ipahid sa balat. Iwan ito ng kalahating oras bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito tatlong beses kada-araw.

3. Magpakulo ng tatlong teabags sa isang palayok ng mainit na tubig. Iwan ito ng ilang minuto. Tanggalin ang teabags at palamigin sa room temperature. Magbabad ng tela sa solution at ipahid ito sa apektadong balat. Iwan hanggang matuyo. ‘Wag hugasan.

4. Maghalo ng magsindaming apple cider vi­negar at malamig na tubig. Magbabad ng paper towels sa solution at ipatong ito sa apektadong balat. Iwan hanggang matuyo ang paper towels. (Iwasan ang paggamit ng apple cider vinegar kung may gasgas ang balat)

5. Magbalot ng isang dakot ng ice cubes sa basang towel. Hawakan ito sa ibabaw ng apektadong balat.

6. Maghalo ng isang tasa ng skim milk at 4 na tasa ng tubig. Maglagay ng ice cubes. Magbasa ng tela sa solution at ipahid ito sa may sunburn sa loob ng kalahating oras.

7. Magpainit ng extra virgin coconut oil sa microwave. Ipahid ito sa balat at marahang masahihin. Gawin ito 3 beses araw-araw.

SUNBURN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with